--
Para sa lahat!
Lalabas na po sa susunod na linggo ang ika-siyam na labas ng Editorial CARTOONS ATBP Mag. Ito ang pinaka-unang indie mag sa buong mundo na gumagamit ng mga editorial cartoons, comic strips at komiks sa pagtalakay ng pinaka-maiinit na pangyayari sa bansa.
Sa 9th issue ay tampok ang mga editorial cartoons hinggil sa power issue ng Iloilo City, at ang Congressional Kudeta kung saan ilinaglag si JDV ng sarili naman nitong mga tao. Sa ARTIKOMIKS naman (artikulong isinakomiks) tinalakay natin ang mga dahilan kung bakit tutol tayo sa pagpapatayo ng coal-fired power plant. Samantalang nasa centerfold ang usaping may kinalaman sa pasabog ni Jun Lozada.
P50 na lang po ang bawat isa.
At open kami sa mga fund-raising drive. Kontak lang kayo sa amin kung kayo'y interesado. Maraming salamat po at mabuhay kayo!
No comments:
Post a Comment